top of page
Search

DOSE DAPAT

  • Writer: SANA PO
    SANA PO
  • Jan 24, 2019
  • 3 min read

Updated: Jan 26, 2019


Paano kaya nila nalaman na 12 ang dapat na edad ng isang bata upang pananagutin sa kanyang kasalanang nagawa? Kung alam lamang sana ng isang tao ang isip ng kanyang kapwa, maaari, siguro, marahil. Sino ng kaya ang totoong nakakaalam? Sa ibang bansa, ano kaya ang naging basehan ng mga mambabatas para itala ang edad ng mga kabataan na dapat managot sa krimen niyang nagawa?

Sino kayang sa atin ang nag-iisip o kaya ay pilit na inaaalala kung anong edad niya nalalaman ang kanyang mga ginagawa? Meron pa ba? Ganun nga ba kaya kabusisi ang mga gumagawa ng batas para alamin ang mga ito. O baka ito ay inaasa lamang sa isang pag-aaral o pananaliksik ng mga survey o datus upang may pagbasehan nga. Sa dinami dami ng mga nagdediskusyun.

O sige ako na ang aamin kung paano at kailan ko nalaman na tama at mali ang ginagawa ko ayon sa aking naaalala. "Tatlong taon pa lang ako ng pilit akong niyaya ng Yaya Helen ko na kunin ang susi sa ilalim ng unan ng Lola ko dahil gusto niyang bukasan ang gate ng bahay para bumili sa isang tindahan. Gusto kong kunin pero mau kung anong pumipigil sa akin. Palagi kong nakikita ang susi na nakalagay sa pitaka ng Lola ko. Pag kinuha ko ang susi, kailangan kunin ko rin ang pitaka. Yun ang pumipigil sa akin. Ang pitaka kung saan kapag may gusto akong ipabili sa Lola ko ay doon siya kumukuha ng pera. Pero ang totoong dahilan kung bakit ayokong kunin ay dahil takot din ako na magising si Lola. Baka mapagalitan ako. Yun lang ang alam ko. Alam ng tatlong taon? Pero yun ang totoo. Ang alam ko yun lang. Madalas maalala ko ang pangyayaring yun. Lalo na kapag naaalala ko si Yaya Helen. Pareho na kaming may mga apo ngayon. Pero nakukunsensiya ako pag naalala ko. Hindi dahil sa tanong na "Paano kung sinunod ko si Yaya Helen sa utos niya? Eh di pinagkanulo ko ang mahal kong Lola. Nakukunsensiya ako dahil lumalabas na naging madamot ako kay Yaya Helen ko na gusto lang bumili ng meryenda niya, dahil nga sa tulog si Lola kaya di siya makapagpaalam."

Mababaw na kasalanan at mukhang hindi karumaldumal na krimen. Tama. Dahil ang totoo ang pag turing sa isang kasalanan ng tao ay ayon sa kanyang kasalukuyan sitwasyon bago niya magawa iyon. Kahit pa man sino. Bata man, matanda, o may kakulangan sa pag-iisip. Ang pananagutan ng tao ay dapat na iayon sa pantay at walang pinapanigan na imbestigasyon. Imbestigasyon ng katotohanan. Hindi sa kung ano ang nakikita at "maaari lang magpapatunay na ang isang indibidwal nga ay nagkasala. Bakit hindi gumawa ng pag-aaral upang mapatunayan ang sinasabi ko. Labag ba sa batas ang pag-aralan ang sikolohiya ng isang tao? O kumuha at magbayad ng isang tao (pamilya nito) upang simula sa pagkabata ay pag-aralan siya ng ating magigiting na mangangaral para magkaroon ng sapat na basehan ang pagsasabatas ng kagaya nito. Sa isang topic namin sa psychology subject noong college pa ako, sinasabi ng professor namin na ang sinasabing "norm" ay kung ano ang majority o nakakarami. At sa lahat na antas ng sinyensiya (field of science), ang psychology ay maraming hindi kapanipaniwala na at di tugma na findings, assumtions, o conclusions pag dating sa character ng isang tao. Bakit? Dahil unique ang bawat isa sa atin. Para itong finger print ng bawat daliri na nagmamay-ari nito.

Ang isang tao, halimbawa mang makagawa ng isang uri ng krimen ay hindi dapat ihambing o i-pattern sa iba ang kanyang kadahilanan sa pag commit nito. Ang lahat ng pangyayari sa mundo ay naiimpluwensiyahan kasi ng oras, klima, mga bagay na may buhay at walang buhay sa kanyang paligid, oras at kung anu-ano pa. Ang sinasabi ko ay kagaya ng katagang ganito; "kaya ka nakapatay kasi nagbanta ka, kaya ka nanglalaki kasi bakla ka, gumanti ka lang sa asawa mong lalaki na nambababae kaya ka nanglalaki, nagnakaw ka kasi para sa bisyo mo, at kung anu-ano pa.

Ang dapat gawin ng bansang ito ay gumawa ng paraan kung paano malalaman kung bakit nagkakasala ang isang tao o bata. Kung ang nasa loobin talaga ay makatulong sa mamamayan. Nakakatawa ba? Lalo na sa mga nagsasabi na may kung anu-ano silang pinag-aralan ng pilosopiya, sikolohiya, at tiyolohiya. O ang mga nagsasabing sila ay banal na. Pero sino sa atin ang hindi nagkasala? Meron ba? Di ba wala naman? Kaya ang mga nagkasala dapat ay tama lamang na alamin ang pinagmumulan o dahilan ng kanilang pagkakasala.



 
 
 

Comments


  • Google+ Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Facebook Social Icon
SUMALI AT MAKIBALITA
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey LinkedIn Icon
  • Grey Facebook Icon

© 2018 by DON PETER .  Proudly created with Wix.com

bottom of page