top of page
Search

HENRY TAN SIENG SY SR. NAMATAY SA EDAD NA 94

  • Writer: SANA PO
    SANA PO
  • Jan 19, 2019
  • 3 min read


Mas kilala sa pangalang Henry Sy, Sr. ang may nagmamay-ari ng SM Investment Corporations (Chairman Emiritus) na nagmamay-ari naman ng iba't ibang kompanya pa lalo na ang mga naglalakihang SM Malls na patuloy na nagtatayu-an sa magkabilaang panig sa ating bansa at maging sa ibang bansa na rin marahil. Siya at ang kanyang pamilya ang nangungunang pinakamayaman sa Pilipinas at pang limangpu't dalawa (ika-52) sa buong mundo na may kabuu-ang kayamananan na labing siyam na bilyong dolyar (US$ 19 billion) o siyam at anim napu't siyam na trilyong piso (PHP 969 trillion). Ang pumapangalawa ay si Manny Villar na may limang bilyong dolyar (US$ 5 billion) naman.


Tiyak na di na mapapansin ang blog na ito sa mga bigating nakikidalamhati sa pagkamatay na ito ni Tatang. Gulat kayo? Ito ay dahil sa personal na naka-usap ng isa sa mga contributor namin ang namayapa na ngang si Ginoong Sy. Taong 1985 ng itinayo ang SM City North EDSA. At taong 1987, ay nag-operate na ito. Puro talahiban noon ang dating puwesto ng isang mall sa kabila ng SM North EDSA (o SM West kung tawagin noon ng iba). Sa mga estudyante kagaya nga ng contributor namin na ayaw pabanggit ang pangalan ang kaunaunahang mall na ito ng SM ay naging pangalawang tahan na nila. HIndi dahil sa mall na istambayan kundi dahil sa mga mabibili na halos nga ay nadoon na lahat.Talagang dala nito ang pagbabansag sa isa nilang ad na ".....here at SM, here at SM, we've got it all for you.....!!!!!!!"


Nag-aaral noon ng nursing ang ating contributor sa isang unibersidad na matagal na ring nagsara sa Aurora Boulevard, Quezon City. Kaya ang talagang puntahan daw nila noon ay SM. May 12 sinehan na ang SM noon ang apat ay sa kauna-unahan nilang SM Annex matatagpuan. Dito niya nakilala si Tatang ayon sa kanya. Yun daw kasi ang gustong ipatawag ng namayapang negosyante. Paano? Ganito daw kasi ang nangyari.


Nanonood daw siya ng Hollywood movie na Die Hard ni Bruce Willis, ng bigla daw lumindol at napatakbo siya palabas ng sinehan. Sa takot at kamamadali ay may nabangga siyang tao. Tinanong daw siya nito " Bakit? Lumilindol po eh!, "Ha, hindi naman ah?" ang tanong daw nito sa isang kasama. Sabay sabi daw sa kanya na "Talaga ba naramdaman mo?", "Opo eh!" ang sagot naman ng ating bata. "May sinabi daw ang kasama ng kanyang nabanngga niya na medyo mahina pero nagawa niyang marinig. "Di ba sir? Yun nga po yung sabi ng karamihan." Sabay pihit sa ating bata na naku huwag kang mag-alala di namanlumilindol medyo umuuga lang talaga 'yung pero safe kayo sa loob kasi bearings 'yun ng structure. Dahil nga daw sa di maintindihan ng ating contributor na ng panahon naiyon ay 2nd year college na. Ayun nag shift ng course na civil engineering. Hahahaha. Ang naka-impluwensiya pala sa kanya ay si Ginoong Henry Sy Sr. Na nagpakilala naman daw sa kanya at nagbigay ng ilang pases matapos siyang ilipat sa main building. Nag-o-ocular visit pala si Ginnong Sy noon. Kaya simula noon ay madalas na siyang manood ng sine sa SM City North EDSA. Hinangaan daw niya ito noon dahil napakasimpleng tao daw nito at talagang gusto mapasaya ang lahat ng pumapasok sa SM. Sabi pa nga daw sa kanya ay sana magkita uli sila. Madaldal ang ating bata kaya natuwa si Ginoong Sy sa kanya. Pero ilang beses niya tinangka ay di na niya ito nasilayan pa. Sumulat rin siya dito ng maraming beses pero di na niya ito nakausap pa.

Kalahati ng edad ng ating contributor ay edad ni Ginoong Sy ng mamatay siya ngayong araw. Kaya pinilit niya kami na ma-iblog ito. Labis niya na hinangaan ang matanda. Di siya nagtataka kung bakit yumaman ito ng ganoon. Sana mamana ng kanyang mga anak ang ugali ng kanilang ama. Ngayong wala na ito mananatili sana ang mission at vision ng namayapang Sy.


Ang aming pakikiramay sa pamilya ni Ginoong Sy mula sa Sana Po! Sana Po marami kayong matulungan na mamamayang mahihirap at mapasaya pang mga tao.




 
 
 

Comments


  • Google+ Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Facebook Social Icon
SUMALI AT MAKIBALITA
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey LinkedIn Icon
  • Grey Facebook Icon

© 2018 by DON PETER .  Proudly created with Wix.com

bottom of page