top of page
Search

SANA PO MAPADALI AT MAKARATING SA TAMA ANG BUDGET PARA SA 2019!

  • Writer: SANA PO
    SANA PO
  • Jan 18, 2019
  • 2 min read

Maraming pag-aandap-andap sa mga Pilipino ngayon. Ito ay dahil Hukyo pa lamang ay aprubado na ng Pangulong Duterte ang National Budget. Pero na delay ito pag dating sa Senado. Ilang araw na lang ngayon ay election na. Kaya ang tanong ko at marahil ng iba din, hindi kaya kung ano pa ang mangyari sa budget na iyan.

Naniniwala ako sa kakayahan bi Pangulong Duterte sa pagpapatakbo ng ating bansa. Ganun din ang karamihan ng mga Pilipino na may tiwala pa rin sa kanya. Dama ko ang sinsiridad ng Pangulo sa talagang pagtulong sa bayan. Pero sa ilalim ng kanyang pamunuan. Marami pa rin ang nagwawalanghiya at patuloy na di mapagkatiwalaan.

Maraming problema sa bayan ngayon. Droga na patuloy na namamayagpag, mga korapsiyon at red tape sa maliliit na sektor ng ilang ahensiya ng pamahalaan, mga sakit kagaya ng AIDS na lalong dumadami at pabata ng pabata ang nagiging biktima. Mga nagpapakamatay ng dahil lamang sa mababaw na kadahilanan, mga di pagkasundo-sundo ng mga pamilya. Huh! Nakakapangilabot na. Kung di lang matibay ang loob mo baka kung ano na rin ang maiisip mong gawin.

Ito ang madalas mabanggit ni dating Spokesperson to the President Atty. Harry Roque na ngayon ay tumatakbong senador na malalim ang pinag-uugatan ng problema ng ating bansa. Ito rin marahil ang kanyang dahilan na kahit pinipigilan siya ng Pangulo na iwan ang kanyang puwesto sa palasyo ay tumakbo pa rin siya.

ALAM NIYO PO BA ANG SINASABI KO MGA KABABAYAN? SANA PO!

Dahil kung hindi, pagkatapos ng eleksiyon na ito ay baka wala na namang mangyayari upang mahigitan pa ang pagbabago sana na nagaganap. Ialang taon na lang ay magtatapos na ang panunungkulan ni Pangulong Duterte. Sana po may hinuhubog na mga lider na gawin ang nasimulan na.

Ang budget na para sa taong bayan ay dapat mapakinabangan ng taong bayan. Ang ordinaryong Pilipino lalo na ang mga pinagkaitan at walang kakayahan na magkaalam ng impormasyon at kung paano makialam sa kaganapan sa bansa ay siyang magiging talo dito kapag di naipamahagi sa tama ang budget na pang nasyunal.

 
 
 

留言


  • Google+ Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Facebook Social Icon
SUMALI AT MAKIBALITA
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey LinkedIn Icon
  • Grey Facebook Icon

© 2018 by DON PETER .  Proudly created with Wix.com

bottom of page