top of page
Search

HANDA KA NA BA?

  • Writer: SANA PO
    SANA PO
  • Jan 17, 2019
  • 1 min read


ELECTION CAMPAIGN PERIOD na. Handa na kaya ang mamamayan para sa kung sino ang iluluklok sa pwesto na dapat upuan ng mga tumatakbo?


Tiyak na magiging makulay ang bawat kaganapan sa ika 13 ng Mayo, 2019. Huwag sana isang kulay lang ang magkalan sa buong kapuluam. Maging makulay sana na totoo. Malinis. Walang bahid ng hinanakit, takot, at inggit.

Kabibilaan ang pag gawa ng mga pangangampanya sa social media. Bago ito, noong Disyembre ay napabalitang may ilang mga accounts ang sadyang tinanggal dahil sa mga di makabuluhan na pagpo-post at ayon mismo sa mga social media host ay lumalabag sa mga community policies nila.


Maaari kang sumang-ayon kung hindi ka ganun ka hooked sa social media. Ayokong magbanggit ng mga sites na ito. Alam mo naman sa Sana Po, ang ating adhikain ay pagkakaisa ng sambayanang Pilipinas. Love, love, love lang kung baga.


Yun naman talaga ang dapat gawin natin. Para sa ating tinatahak na pagsulong sa kaunlaran ay ay sadya ngang makamtan. Kaya Sana Po, ngayun pa lang ay magkaroon na ang bawat isang Pilipinong botante ng angkop na listahan ng mga kandidato nila na iboboto. Listahan ng mga kandidato na karapat-dapat.


Manaliksik ng maigi at alamin ang kakayahan at kredibilidad ng mga tumatakbong kandidato. Higit sa lahat huwag magbenta ng boto.


Sana Po!



 
 
 

Comments


  • Google+ Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Facebook Social Icon
SUMALI AT MAKIBALITA
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey LinkedIn Icon
  • Grey Facebook Icon

© 2018 by DON PETER .  Proudly created with Wix.com

bottom of page